-- Advertisements --
Hinalal bilang unang babaeng pangulo ng Mexico si Claudia Sheinbaum.
Ang 61-anyos na si Sheinbaum ay dating alkalde rin ng Mexico City.
Ayon sa official electoral authority ng Mexico na nakakuha ito ng boto mula 58% hanggang 60% na boto sa halalan na isinagawa nitong Linggo.
Nagbibigay ito ng nasa 30 percent na kalamangan sa kaniyang katunggali na si Xóchitl Gálvez na isang negosyante.
Pormal niyang papalitan si outgoing President Andres Manuel Lopez Obrador sa Oktubre 1.
Ang kaniyang programa ay upang ipagpatuloy ang programa ni Obrador.
Noong 2018 ay naging siya ang unang babaeng alkalde ng Mexico City hanggang noong 2023 ng ito ay bumaba sa kaniyang puwesto para tumakbo sa pagkapangulo.