-- Advertisements --
Naitala sa Mexico ang unang kaso ng Omicron coronavirus variant.
Ayon kay Deputy Health Minister Hugo Lopez-Gatell na isang 51-anyos na pasyente na galing sa South Africa ang nasabing unang kaso nila.
Nagkaroon lamang na katamtaman na sintomas at ito ay naka-quarantine na.
Dumating sa Mexican capital ang pasyente noong Nobyembre 21 at pagkatapos ng anim na araw ay doon lumabas ang sintomas nito.
Nanawagan rin ang opisyal sa mga mamamayan na maging kalmado dahil isinara na nila ang kanilang border.
Nararapat din na magsuot ang mga ito ng facemask at magpabakuna na.