-- Advertisements --
Nalampasan na ng Mexico ang kabuuang patay ng Spain matapos magtala ngayon ng record high na 741 deaths sa loob lamang ng isang araw.
Ayon Mexican Health Ministry meron ng kabuuan silang 28,510 na death toll upang lampasan ang total fatalities ng Spain na nasa 28,364.
Sa ulat naman ng Johns Hopkins University umakyat ang Mexico sa pang-anim sa buong mundo na may pinakamaraming nasawi.
Samantala, nagtala rin naman ang Mexico ng 5,681 bagong confirmed cases ng COVID-19 para lomobo pa ang kanilang bilang sa 231,770 na mga kaso.