Sinigurado ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na handang tumulong ang kaniyang bansa sa mga taga Central America na patuloy ang pagtakas sa kani-kaniklang mga bansa dahil sa dinaranas nitong kahirapan at karahasan.
Ngayong Martes ay pina-plano ng Mexico na magpadala ng 6,000 National Guards sa southern border ng Guatemala upang pabagalin ang pagbuhos ng mga migrants.
Isang checkpoint naman malapit sa Ciudad Cuauhtemoc ang pinaliligiran ngayon ng 10 sundalo na may itim na armbands at kiasama ang mga federal police at immigration officers.
Simula nang maupo sa kaniyang pwesto si Obrador ay matagumpay nitong naisakatuparan ang pagbibigay ng libo-libong transit visas para sa ligtas na pagpasok ng mga tao sa Mexico.
“The truth is that there is a great humanitarian crisis in Central America and many people out of necessity have set out to look for a life in the United States and they pass through our territory,” ani Obrador habang ibinabahagi ang kaniyang talumpati sa northern state of Chihuahua.
Aniya, ang hindi umano pagtulong sa mga nangangailangan ay maituturing na “anti-Christian.”