Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nagpapatuloy na kalakalan ng iligal na droga sa ilang bahagi ng bansa.
Sa katunayan ayon kay PDEA Central Luzon Regional Director Ronald Allan Ricardo, itinuturing nila bilang transshipment o sentro ng transportasyon ng mga kontrabandong iligal na droga ang bayan ng Mexico sa probinsya ng Pampanga.
Paliwanag ng direktor na hindi naman ibinabagsak ang mga bulto ng iligal na droga sa naturang bayan ngunit mistulang idinadaan doon o nagsisilbing ruta ito ng mga drug traders.
Kung matatandaan noong Setyembre 24, 2023 ay nasabat ng mga otoridad ang 536 kilos ng shabu sa isang warehouse sa bayan ng Mexico.
Hinala ng mga otoridad, may kaugnayan din ito sa nahuli nilang P408 million na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa nasabi ring probinsya.
Batay sa datos ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, 76 mula sa 505 brgy sa buong probinsya ng pampanga ang una nang nalinis mula sa impluwensya ng iligal na droga.
Tinataya namang aabot pa sa 1,000 drug personalities ang naroon pa sa naturang probinsya.