KALIBO, Aklan – Inabisuhan umano ang mga atletang Pinoy na huwag magpaapekto sa mga distraction o kasalukuyang kontrobersya upang manalo sa Southeast Asian Games (SEA) Games.
Sa interview ng Bombo Radyo Kalibo, sinabi ni Cherry Mae Regalado, dating Akeanon beauty queen at pencak silat athlete, na suporta para sa kanila ang nais nilang marinig at hindi puro mga puna sa organizer ng biennial meet.
Hangad daw niya na makasungkit ng gintong medalya sa SEA Games upang ipaghiganti ang diumano’y hindi makatarungang fourth place finish niya sa 2017 SEA Games sa Malaysia.
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Regalado dahil natanggap na uraw niya kahapon ang medical certificate na maaari na siyang sumabak sa kompetisyon sa Sabado matapos magkaroon ng knee injury sa kanyang pagsasanay.