-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nakatakda itong makipagpulong sa mga abogado ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hihingi ang bise ng legal advice upang mapayagan itong mabisita ang kanyang ama sa detention facility nito sa The Hague.

Ito ay batay na rin sa inilabas na abiso ng Office of the Vice President.

Kung maaalala, umalis ng bansa si VP Sara kasama ang kapatid na si Davao Representative Paolo Duterte pasado alas 7:40 ng umaga kahapon para bisitahin ang kanilang ama.

Sakay sila ng isang flight patungo sa The Hague.

Sa ngayon ay nasa The Netherlands na si FPRRD kasama ang kanyang dating Executive Secretary na si Atty. Salvador Medialdea