Umapela si Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa mga abogado ng bansa na suportahan at maging ‘force multipliers’ sa five-year innovations plan ng Korte Suprema (SC) para sa judiciary at legal profession.
Hinimok din nito ang mga abogado na pangunahan ang pagkamit ng five-year innovations.
Aniya, ang Strategic Plans for Judiciary Innovations 2022-2227 ay isang plan powered ng isang Innovation Agenda upang suriin at e-assess ang organizational structure at mga operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng Hudikatura, at upang bumuo at magtatag ng information and communications technology infrastructure.
Ipinaliwanag pa niya na ang Strategic Plans for Judiciary Innovations 2022-2227 ay may apat na guiding principles na kinabibilangan ng Timely and Fair Justice, Transparent and Accountable Justice, Equal and Inclusive Justice, at Technologically Adaptive Management.”
Ang ganitong mga prinsipyo ay magtutulak sa Hudikatura tungo sa pagkamit ng tatlong resulta ang Efficiency, Innovation, at Access.