-- Advertisements --
Carrie Lam
Carrie Lam/ IG post

Hinikayat ng maraming mga advisers ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na iantala muna ang plano nitong pagpasa ng kontrobersiyal na extradition bill.

Sinabi ng kaniyang key adviser Bernard Chan na kahit na magkaroon ng pagtigil sa nasabing pagpapatupad ng panukalang batas ay magkakaroon pa ring pagkakahiwalay ng kanilang mga mamamayan.

Nakikita naman ng ibang advisers nito na walang balak si Lam na iatras at bawiin ang nasabing panukalang batas.

Naniniwala din si pro-Beijing lawmaker Michael Tien na imbes na nakakabawas pa ito sa kasikatan ni Lam ay mas lalo pa itong madadagdagan.

Iginiit naman ni Lam na ang nasabing panukalang batas ay siyang solusyon para matigil na gawing taguan ng mga kriminal ang Hong Kong.

Ikinabahala din ng mga opposition activists na ang nasabing batas ay posibleng gamitin sa mga kalaban sa pulitika ng mga kasalukuyang namumuno.

Hindi malayong magkaroon ng torture, arbitrary detentions at sapilitang pagpapaamin ng mga naaresto kapag sila ay nililitis sa China.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas ang sinumang maarestong kriminal sa Hong Kong ay ipapadala sa mainland China at doon lilitisin ang kaso.