-- Advertisements --

Naharang ng mga Special Forces sa United Kingdom ang sundalo ng Afghanistan na nagtangkang manirahan sa kanilang bansa.

Ang mga Afghan na sundalo kasi ay kasama ng mga sundalo ng UK na nakipaglaban sa mga Taliban.

Subalit noong makontrol na ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan ay nagtangka ang ilang sundalo na lumipat na sa UK.

Magugunitang noong Agosto 2021 ng makontrol ng Taliban ang Afghanistan at nanganib ang mga Afghan Special Forces unit CF 333 at ATF 444 o kilala bilang “Triples” dahil sa kasama nila ang UK ng kalabanin ang puwersa ng Taliban.