-- Advertisements --
Inatasan ng palasyo ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at government-owned and controlled corporations na magtulong-tulong para malabanan ang outbreak ng African swine fever.
Base sa inilabas na kautusan na inisyatibo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na dapat ay gumawa ng polisiya at mga paraan para makontrol ang pagkalat ng ASF.
Ang nasabing kautusan ay lumabas matapos ang pagkalat na pati ang mga processed meat products mula sa Central Luzon ay nagpositibo na rin sa ASF.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, kasama rin sa nasabing kautusan ang pagbibigay ng pangkabuhayan sa mga piggery owner na apektado ng ASF.