Nakahanda na ang mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang isang mapayapang pagdiriwang ng holiday ngayong pagtatapos ng taon.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na itinakda na rin ang iba’t ibang inspeksyon sa mga daungan ng bus, terminal, at sa mga paliparan.
Aniya, nakahanda na ang PNP at nakadeploy na ang lahat ng kanilang tauhan para umalalay sa mga biyahero.
Ang Bureau of Fire Protection aniya ay nakahanda na rin para rumesponde sa mga firecracker incidents.
Sinabi ni Abalos na inaasahan niya ang mapayapang pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon.
Una na rito, inaasahan kasi na magsisimula ang pagdoble ng bilang ng mga pasahero na dumadagsa sa mga terminal sa darating na Disyembre 22 upang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya upang doon magdiwang ng pasko at bagong taon.