-- Advertisements --
377126186 695950905893573 2068928645221717576 n
Courtesy: Glenn Ruiz Rutor

Nagtulong-tulong magpulot ng mga basura ang mga ahensya ng gobyerno at libu-libong volunteers kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day.

Humigit-kumulang 4,000 volunteers, kabilang ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, ang lumahok sa paglilinis ng Dolomite Beach sa Maynila.

Samantala, nasa 1,000 volunteers naman ang nakiisa sa aktibidad sa Estero de Sunog Apo sa Tondo, na dinaluhan ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Procopio Lipana, habang pinangunahan naman ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang paglilinis sa beach area ng Baseco kasama si Fifth District Representative Irwin Tieng, at Department of Public Services Officer-in-Charge Kayle Nicole Amurao.

Nakolekta ang mga sako ng basura mula sa iba’t ibang baybayin sa Maynila.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residente na obserbahan ang tamang pagtatapon ng kanilang mga basura.