-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kinansela na ng mga airline companies ang kanilang flights papasok at palabas ng South Korea dahil sa nagpapatuloy na epekto ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., naglabas ng abiso ang mga kumpanya dahil sa kawalan ng pasahero mula sa nasabing bansa.

Parayoridad umano ngayon ng mga airline companies ang kaligtasan ng kanilang mga flight attendant, piloto at iba pang crew members laban sa nakamamatay na sakit.

Dagdag pa ni Monserate, nagpahayag na rin ng kalugihan ang mga kumpanya dahil sa pagkawala ng kanilang mga international flights.

Samantala, muling tiniyak ni Monserate na mahigpit nilang minomonitor ang lahat ng mga dayuhan na dumadaan sa Kalibo International Airport upang matiyak na walang pasaherong makalusot na may COVID-19.