-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Hindi nagpaawat ang mga Aklanon sa kanilang debosyon at panata kay Sr. Sto. Niño de Kalibo matapos na ipakilala sa Filipino Community at sa mga dayuhan ang selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Vancouver, Canada.

Sa panayam kay Bombo International Correspondent at Silat Princess Cherry Mae Regalado, nasa 150 na mga Pinoy at ilang Canadians ang nakisaya sa mga isinagawang aktibidad tulad na lamang ng pagsasayaw sa saliw ng tambol o drumbeat suot ang mga makukulay na modern type costume na gawa sa tela ngunit hindi sila nagpapahid ng uling sa katawan.

Ikinagalak aniya ng mga dayuhan ang nasabing selebrasyon dahil naghatid ito ng kasiyahan na sa Pilipinas lamang mararanasan.

Ang bansang Canada aniya ay bukas sa lahat ng uri ng kultura at hindi sa diskirimasyon.

Nabatid na ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival ang itinuturing na Mother of All Philippine Festivals na dinadayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maging mula sa ibayong bansa.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang weeklong celebration ng Ati-Atihan Festival dito sa bayan ng Kalibo at mamayang hapon ay gaganapin ang Higante parade na ibibida ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Aklan.