-- Advertisements --

Magiging pribado na lamang ang gagawing tauang Advent and Christmas masses sa Vatican ni Pope Francis dahil sa banta ng coronavirus.

Sa mga sulat na ipinadala ng Vatican sa mga foreign ambassadors na gagawing pribado na lamang misa.

Hindi na pupunta ang mga diplomatic corps at ang nasabing kaganapan ay gagawin ng online.

Kada taon kasi ay ilang libong mga Katolika ang nagtutungo sa Roma para dumalo sa mga misa sa Vatican.

Ilan sa mga online na aktibidad ng Santo Papa ay ang Christmas eve mass at ang pagbibigay nito ng tradisyunal na Urbi and Orbi message to the world.

Nagpatupad kasi ng paghihigpit ang Italy para malabanan ang posibleng pagkalat ng virus sa second wave nito.