-- Advertisements --
BSP gov diokno
Incoming DOF Secretary Benjamin Diokno

Inaasahang magsisimula na ang investment activities sa kauna-unahang sovereign welath fund ng bansa sa unang kwarter ng 2024.

Kung saan kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na magiging fully operational na ang Maharlika Investment Fund sa katapusan ng 2023.

Itoay matapos na makapagsecure ang MIC ng inisyal na kapital mula sa mga bangko ng gobyerno na P50 billion at P25 billion na nailipat na sa Bureau of treasury.

Nakapagremit na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng P31.859 billion na isa sa sources ng gobyenro ng kontribusyon sa inisyal na capital ng MIC.

Inaasahan naman ng Advisory Board ng MIF na maitransmit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pinal na listahan ng nominado para sa MIC board of Directors sa mismo o bago ang Oktubre12.

Sa orras na makumpleto naman ang MIC board, ayon kay Sec. Diokno, magsasagawa ang naturang board ng kauna-unahang pagpupulong kasabay ng pagmarka ng operasyon ng sovereign wealth fund.