Inilabas na ngayon ng executive committee ng Basilica Minore Del Sto Niño ang schedule ng mga aktibidad para sa nalalapit na 460th Fiesta Señor sa darating na Enero sa susunod na taon.
Bilang bahagi pa ng pre-fiesta activities, ang pilgrim image ng Sr. Sto. Niño de Cebu ay bibisita sa mga ospital at mga correctional facilities sa mga tri-cities ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu mula Enero 3 hanggang 8.
Ang opening salvo naman o ang pagsisimula ng siyam na araw na nobena ay sa Enero 9 na sisimulan ng isang Penitential Walk with Jesus,habang sa Enero 17 at 18 ang Translaciones.
Bahagi naman ng Visperas sa Enero 18 ay ang fluvial procession, reenactment, solemn foot procession at traditional Sinulog habang ang fiesta Señor day ay sa Enero 19.
Ang tema sa pagdiriwang ng 460th Fiesta Señor ay, “Sto Niño: Hope of the Pilgrim child.”
Kaugnay din nito, inanunsyo ng committee na ang “M/V Sto. Niño de Cebu,” na isang roro passenger vessel at may kapasidad na 450 pasahero ang official galleon para sa selebrasyon.
Samantala, inihayag ni Fr. Jules Van Almerez, na nililimitahan lamang nila sa 5,000 deboto ang i-accommodate at papasukin sa loob ng Basilica church.
Hinimok pa ni Fr. Almerez ang publiko na sumunod sa proper dress code at iwasang magdala ng mga backpack upang hindi maantala ang pagpasok sa simbahan.
Sa ngayon aniya, tinatayang nasa 70% pa lamang ang kanilang mga ginagawang paghahanda para sa darating na Fiesta Señor sa susunod na taon.