-- Advertisements --

Naghain ng not-guilty plea ang mga akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa ginawang arraignment sa Manila Regional Trial Court (RTC) Br. 51.

Ang mga akusado na sina Rogelio Antipolo Jr., Rommel Pattaguan, Winrich Isturis, John Louie Gonyon, Dahniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., Joric Labrador, Joven Javier, Benjie Rodriguez, Osmundo Rivero, at Nigel Electona ay naghain ng not guilty sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder.

Sinabi ni Atty. Paris Real na nag-waive ang mga abogado ng mga akusado dahil kung babasahin pa ang impormasyon ay maaring abutin sila ng gabi.

Dahil sa ginawa nila ay tila napabilis ang proceeding sa pamamagitan ng pagpasok nila ng consolidated not guilty plea.

HIndi naman dumalo sa pagdinig ang mga kliyente nito na sina Lloyd Garcia at ang sinasabing mastermind na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr at Marvin Miranda.

Wala kasi sa bansa si Teves at huli itong namataan sa Timor Leste.

Isasagawa ang susunod na pagdinig ng kaso sa darating na Enero 31.

Magugunitang noong Marso ng napatay ng mga armadong suspek si Degamo at siyam na iba pa ganun ay nasugat ang maraming mga katao.