-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 50 13
Piggery

DAGUPAN CITY- Nanatiling negatibo sa African swine fever ang mga alagang baboy sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Governor Amado Espino III, walang lumabas na positibo sa random testing ng mga baboy mula sa mga bayan na kabilang sa 7 kilometers radius mula sa barangay Baloling, Mapandan.

Mahigpit ding minomonitor ang mga baboy sa mga bayan na nasa loob ng 10 kilometer radius kabilang ang Calasiao,Santa Barbara, San Fabian, Malasiqui at Dagupan.

Nilinaw naman ng mga otoridad na ang ASF Ay hindi naililipat sa tao kundi isang viral disease na maaring magdulot ng 100 percent morality sa mga apektadong baboy.