LEGAZPI CITY – Nakiusap si Albay Governor Al Francis Bichara na iwasan ang pagiging bayolente at hindi katanggap-tanggap na mga aksyon sa mga taong nagpopositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Itinuturing na isolated case ng lalawigan ang impormasyon sa umano’y pambabato sa bahay ng isang COVID-positive sa Guinobatan, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Danny Garcia, tagapagsalita ng gobernador, nanawagan ito na sana hindi na maulit pa ang ganitong insidente.
Nilinaw ni Bichara sa pamamagitan ng tagapagsalita na sa laban ngayon, hindi tao ang kalaban kundi ang nakakahawang sakit.
Samantala, patuloy umano ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Camarines Sur sa pagpapaabot ng tulong sa pagkain ng mga stranded na Albayano at hindi pinapabayaan ang mga ito.