-- Advertisements --

Nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na isama bilang pangunahing pangangailangan ang mga rubbing alcohol, hand sanitizers at mga personal protective equipment.

Sinabi ni DTI undersecretary Ruth Castelo, na dapat baguhin ng mga mambabatas ang Republic Act 7581 o ang Price Act na isinabatas noon pang 1992.

Ang nasabing mga nabanggit na mga gamit ay siyang mahalaga ngayong panahon ng pandemic.

Magugunitang ilan sa mga tinatawag na basic necessities ay mga bigas, isda, karne, itlog at iba pa.

Sa nasabing plano ng DTI na bibigyan ng mandato ang National Price Coordinating Council kung saan papayagan ang nabanggit na gamit sa sila.

Ang NPCC ay mabibigyan din ng kapangyarihan na magdeklara ng price freeze.