-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi ipagkakait ang pagpapaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine para sa mga alkalde na sumingit sa priority list sa pagtanggap ng bakuna.

Una nang binanggit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang limang pangalan habang kagabi lamang nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang pa sa mga naunang nagpabakuna sina Mayor Elanito Peña -Minglanilla, Cebu; Mayor Victoriano Torres III -Alicia, Bohol; Mayor Virgilio Mendez- San Miguel Bohol; at Mayor Arturo Piollo II- Lila, Bohol.

Paglilinaw ni DILG Usec. Epimaco Densing sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na wala pa rin namang lusot ang mga ito sa posibleng administrative liability na kakaharapin.

Aniya, oras na matanggap n.a ang show cause order ay tatlong araw lamang ang ilalaan sa pagsagot at pagpapaliwanag habang uusad na rin ang independent investigation.

Sakali namang hindi kumbinsido sa magiging sagot, diretso na ang rekomendasyon sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman.

No comment na rin muna si Densing sa mga pahayag sa publiko ng ilang alkalde at maghihintay ng official response.