-- Advertisements --
image 57

Inirekomenda ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagtatayo ng mga rain catchment o malalaking imbakan ng tubig-ulan, bilang tugon sa inaasahang kakulangan ng tubig dahil na rin sa el Nino.

Ginawa ng Metro Manila Council ang nasabing rekomendasyon sa pakikipagpulong nito sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon kay Council Pres, at San Juan City mayor Francis Zamora, maaaring maipatayo ang mga imbakan ng tubig sa mga city hall, brgy hall, at maging sa mga public schools.

Sa inisyal na plano ng mga alkalde, maaaring ipunin ang mga ulan na umaagos mula sa mga kabahayan, at tutuloy sa mga container na bahagi ng water catchment systems.

Ayon kay Mayor Zamora, maaaring mismong ang MMDA ang magbigay ng malalaking mga tanke na magagamit bilang imbakan.

Ayon naman kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, naghahanap na ng paraan ang Metro Manila Development Authority upang matugunan ang panukala ng mga alkalde, kasama na dito ang posibilidad ng mga modular rain catchment system.