Tiniyak ng ilang alkalde sa Metro Manila na sila ay maghihigpit matapos na ilagay sa 15 days modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR at karatig na lugar simula ngayong araw hanggang Agosto 18.
Magkakaroon lamang tatlong beses sa isang linggo puwedeng mamalengke at bumili ng mga essentials sa lungsod ng Navotas at sa araw ng Linggo ay isasara ang palengke dahil sa dissenfection na gagawin.
Magsasagawa rin ng paghihigpit si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian para matiyak na mananatili sa kanilang bahay ang mga residente.
Kasunod ito ng pagkakaroon ng mahigit 2,000 na kaso ng COVID-19.
Ibabalik naman ng Quezon City at Paranaque City ang liquor ban kung saan mahaharap sa multa hanggang pagsasara ng establishemento ang sinumang mahuling bumibili at magbebenta ng nakakalasing na inumin.
Habang inatasan naman na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga kapulisan na arestuhin ang sinumang maaarestong magiinunam sa gilid ng kalsada.