Tiwala ang maraming alkalde sa Metro Manila na papanigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit nila na hindi pag-require ng pagsusuot ng face shield sa mga establishimento at sa halip ay sa mga pagamutan o sa mga pampublikong transportasyon na lamang ito.
Nakatakda kasing ianunyso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong panuntunan sa pagsusuot ng face shield.
Marami kasi ng mga alkalde sa Metro Manila ang nagpasa na ng ordinansa sa paglimita sa pagsuot ng face shield na ito ay gawin sa mga kritical na lugar gaya sa hospitals, barangay Centers at public transports.
Bukod din sa Metro Manila ay may ilang LGU sa ibang probinsiya ang nagpasa ng polisiya sa mandatory na pagsusuot ng face shields.