Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga alok na tulong mga kaalyadong bansa ng Pilipinas partikular ang Estados Unidos pero kailangan ay aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw naman ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año na lahat ng mga aktibidad at tulong na ibinibigay ng Amerika kabilang ang sa technology assistance ay bahagi ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) sa ilalim ng provision ng Mutual Defense Treaty.
Giit ni Año na kung tutulong pa ang US sa Pilipinas para labanan ang terorismo, malaking bagay ito sa AFP pero kailangan pa ng go signal sa pangulo bago tanggapin ang nasabing alok.
Una rito, inihayag ni US Ambassador Sung Kim na nag-alok ito na magpadala ng dalawang surveillance aircraft sa Pilipinas para tumulong sa AFP sa kanilang intelligence, surveillance and reconnaissance operations laban sa mga terorista.