-- Advertisements --

Pinatawag ng foreign ministry ng Israel ang mga ambassador ng Norway, Spain at Ireland dahil sa desisyon ng kanilang gobyerno na kilalanin ang Palestinian state.

Ipinakita sa kanila ang video ng mga Hamas na dinukot ang limang babaeng sundalo ng Israel noong Oktubre 7 na nag-udyok ng giyera sa Gaza.

Giit nila na ang nasabing baluktot na desisyon ng nasabing mga bansa ay isang premyo umano para sa Hamas.

Ibinabala nila na nasabing desisyon ay magkakaroon ng lamat sa ugnayan nila sa bawat isa’t-isa.