May ilang Americans ang kabilang sa nasawi sa serye ng pambobomba sa Sri Lanka na ikinamatay ng mahigit sa 200 at mahigit din sa 400 ang mga sugatan na itinaon sa selebrasyon ng Easter Sunday.
Sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo, gumagawa na ng paraan ang US Embassy para mabigyan ng lahat ng tulong ang pamilya ng mga nasawing kababayan nila.
Hindi naman nabanggit ng opisyal kung ilang mga American citizens ang nadamay sa terror attack sa Sri Lanka.
“@POTUS (President Trump) and I are monitoring the horrific attacks on those celebrating Easter in Sri Lanka. Our hearts & prayers are with the victims & their families. This atrocity is an attack on Christianity & religious freedom everywhere. No one should ever be in fear in a house of worship,” ani Pence sa Twitter message.
Nauna nang sinabi ng mga otoridad sa Sri Lanka na mayroong hanggang 35 mga dayuhan ang nasawi na kinabibilangan ng Americans, British at Dutch.
Kabilang kasi ang Sri Lanka sa ilang mga sikat na travel guide na “best country in the world to visit” ng taong 2019.