KALIBO, Aklan – Ang mga nagmula sa Amerika ang may pinakamataas na foreign tourist arrivals sa isla ng Boracay sa unang dalawang linggo ng Marso.
Batay sa pinakahuling tala ng Malay Tourism Office, ang Top 3 markets ay USA na may 106, sumunod ang Canada na may 31 at United Kingdom na may 28.
Sa kabuuan ay 59,109 ang naitalang inbound visitors, kung saan, 498 dito ang dayuhan.
Ayon kay Felix delos Santos, Chief Tourism Operations Officer, ang naturang bilang ay malayo sa kanilang record bago ang pananalasa ng pandemya, subalit isa umano itong positibong bagay para sa unti-unting pagbangon ng turismo sa Boracay sa ilalim ng new normal.
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan umano nila ang paglobo pa ng mga turista sa pagpasok ng summer season lalo na ang mga dayuhang turistang nagmula sa mga bansa sa Asya.