-- Advertisements --
Jamal Kashoggi

Makakakuha ng hanggang $70 million (estimated P3.5-B) ang matatanggap ng mga anak ng pinatay na Saudi Arabia journalist na si Jamal Khashoggi.

Itinuturing ito bilang “blood money” matapos ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Khashoggi.

Ayon sa ilang opisyal ng Saudi Arabia nauna nang nabigyan ang apat na anak nito ng bahay na nagkakahalaga ng $4-million o mahigit P200-million.

Bukod pa aniya sa nasabing bahay ay nabigyan din ang mga ito ng tig-$267,000 at sila ay makakatanggap kada buwan ng $10,000 hanggang $15,000 o halos P1-million.

Ang nasabing pabahay at bayad ay aprubado umano ni King Salman Abdulaziz Al Saud.

Magugunitang pinatay si Khashoggi na kilalang kritiko ng Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman noong Oktubre habang ito ay nasa loob ng konsulada ng Saudi sa Istanbul.