-- Advertisements --

Masayang ipinagdiwang ng beteranang actress Nora Aunor ang kaniyang ika-70 kaarawan.

Kasama nito ng nagdiwang ang limang anak niya na sina Lotlot, Ian, Kiko, Kenneth at Matet de Leon.

Ginanap ang nasabing pagdiriwang sa Seda Vertis North sa Quezon City nitong Sabado.

Naging emosyonal ang mga mensahe ng mga anak nito sa kanilang ina.

Magugunitang nagkaroon ng hindi maganda ang samahan ng mag-ina lalo kina Lotlot at Matet.