-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mahigit 1,700 na mga indibidwal mula sa bayan ng Kabacan ang tumanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development XII sa pangunguna ni Regional Director Loreto Cabaya Jr.
Katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato tumanggap ang bawat benepisyaryo ng food packs mula sa opisina ni Senator Joel Villanueva at 2,000 pesos cash naman mula sa opisina ni Senator Imee Marcos.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga tulong na natanggap ng mga apektadong bayan mula sa ibat-ibang ahensya na aniya’y malaking tulong sa kanilang muling pagbangon.

Todo pasalamat rin si Kabacan Mayor Evangeline Pascua Guzman sa tulong na kanilang natanggap.

Dumalo rin sa aktibidad si 3rd District Congresswoman Ma. Alana Samantha Taliño Santos, dating Board Member Albert Rivera at mga Board Members mula sa ikatlong distrito na sina Joemar Cerebo at Jonathan Tabara.