TEL AVIV, Israel – Pinahintulutan na ng Israel ang libo-libong Palestine na pabalikin sa Gaza Strip matapos i-lift ang bansa ang ‘closure’ ng north sa kauna-unahang pagkakataon.
Ito ay makaraan ang 15-buwang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Pero alinsunod na rin sa ipinatutupad na ceasefire o tigil-putukan, naging maluwag na uli ang pagtawid ng mga mamamayan.
Makikita ang buhos ng mga tao mula norte habang dala ang kanilang mga kagamitan at naglalakad ng nakayapak sa main highway.
Ganap na alas-7:00 ng umaga nitong Lunes nang simulang payagan ng Israel na makauwi ang mga Palestino na hindi na dumaan pa sa inspeksyon sa Netzarim corridor, isang military zone na nasa boundary ng Gaza City at Israel.
Sa loob ng isang taon, ang mga Palestinong sumisilong sa mga tent camps at paaralan ay sabik nang makabalik sa kanilang mga tirahan sa kabila ng pinsalang idinulot ng giyera sa kanilang mga ari-arian.
Inihayag naman ni Defense Minister Israel Katz na ipagpapatuloy ng Israel ang pagpapatupad sa ceasefire ngunit ang sinumang lalabag o may pag-abuso rito ay papanagutin.