-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang pagbibigay ng assistance ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga sa mga pamilyang apektdo ng 7.4 magnitude na lindol.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni regional spokesperson Mark Davey Reyes, na sa pagbisita ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa Surigao Del Sur kahapon, kaagad na sinimulan ang pagbigay ng cash assistance ilalim sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Umabot sa 170 mga pamilya na totally damaged ang kanilang bahay, ang nakatanggap ng 5-libong pisong cash habang tatlong libong piso naman ang natanggap ng 30 mga pamilya na partially damaged ang kanilang bahay.

Ito’y maliban pa sa pagbibigay ng Family Food Packs sa halos 85-libong pamilya na karamihan ayu nasa Surigao Del Sur.

Tiniyak din umano ni Secretary Rex Gatchalian na makakatanggap ang lahat ng pamilya na nasiraan ng bahay ng 11,000-pisong cash ilalim sa emergency cash transfer sa susunod na taong 2024.

Magsasagawa din sila ng psycho-social first aid para sa mga indibidwal na na-trauma sa lindol.