-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaasikaso na ngayon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga pamilya na apektado sa nangyaring sunog sa Purok 9 Southbay, Brgy. Lapu-Lapu, Agdao District nitong lungsod kung saan nasa higit 40 mga bahay ang nasunog kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay SFO3 Ramil Gillado, hepe ng Intelligence and Investigation Section sa Bureau of Fire Protection Davao, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Gary Aparece dahil sa isang lampara na ginamit pa nila mula ng mamatay ang kanyang ina sa nakaraang linggo.

Kinumpirma naman ni Gillado na nasa 40 mga bahay ang totally damage at apat naman ang partially damage.

Nasa higit P300,000 naman ang damyos at may isang bata ang sugatan.

Sa kasalukuyan nasa evacuation center sa nasabing lugar ang mga residente at patuloy ang ginagawang assessment ng CSWDO para sa ibibigay na tulong.