Umakyat pa ang bilang ng mga kanseladong flight dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mahigit 30 byahe na ngayon ang hindi pinahintulutan dahil sa makapal na usok at abo sa area ng bulkan, maliban pa sa panganib na maaaring idulot nito kung magkakaroon ng panibagong pagputok.
Kabilang sa mga apektado ang Manila–Bacolod-Manila, Manila –Iloilo–Manila, Manila-Cebu-Manila, Manila-San Jose, Antique-Manila at maging ang Manila-Naga-Manila.
Cebu Pacific (5J)
5J 473/474: Manila–Bacolod-Manila
5J 451/452: Manila –Iloilo–Manila
5J 453/454 Manila-Iloilo-Manila
5J 476 Bacolod-Manila
5J 464 Iloilo-Manila
5J 454 Iloilo-Manila
AirAsia (Z2)
Z2 761/762: Manila-Cebu-Manila
Z2 603/604: Manila-Bacolod-Manila
Z2 306/307: Manila-Iloilo-Manila
PAL Express (2P)
2P 2841/2842 Manila-Cebu-Manila
2P 2139/2140 Manila-Iloilo-Manila
2P 2129/2130 Manila–Bacolod-Manila
2P 2131/2132 Manila-Bacolod-Manila
2P 2141/2142 Manila-Iloilo-Manila
2P 2905/2906 Manila-San Jose, Antique-Manila
2P 2835/2836 Manila-Cebu-Manila
CebGo (DG)
*DG 6113/6114 Manila-Naga-Manila
*DG 6117/6118 Manila-Naga-Manila
(*) – Recently added
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.