-- Advertisements --
image 110

Sumampa na sa kabuuang 806,812 pamilya o katumbas ng mahigit 3.031 million indibidwal ang apektado ng nagdaang mga bagyo at habagat sa buong bansa.

Base sa latest situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 8, 10, 11, 12, BARMM, CAR, at NCR.

Nasa 13,779 dito na pamilya o 51,593 indibidwal ang nanunuluyan pansamantala sa mga evacuation centers habang nasa 57, 985 pamilya o 233,609 indibdiwal naman ang nasa labas ng evacuation centers o nakikitira sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Samantala, nakapagtala din ang ahensiya ng 57,190 kabahayan ang napinsala mula sa nasabing mga rehiyon kung saan pumapalo sa P344,000 ang tinatayang halaga ng pinsala.

Tumaas din ang pinsala sa sektor ng imprastruktura sa mahigit P3.63 billion sa Region 1, 2 Calabarzon, Mimaropa, Region 5, 6, 8, 11, 12 , BARMM at CAR.