DAVAO CITY – Mahigit 400,000 indibidwal na ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha sa maraming bahagi ng Davao Region.
Sa datos ng Office of the Civil Defense-Davao, nasa 413,663 ang apektadong indibidwal ang apektado ng Trough ng LPA.
Sa nasabing bilang, 184,485 ay mula sa Davao Oriental; 171,683 sa Davao del Norte; 49,783 sa Davao de Oro; 5,246 sa Davao City; at 2,466 sa Davao Occidental.
Ang bilang ng mga internally displaced na indibidwal sa rehiyon ay tumaas din sa 56,569, kung saan 22,438 ay mula sa Davao de Oro; 15,474 mula sa Davao del Norte; 11,600 mula sa Davao Oriental; at 7,057 mula sa Davao City.
Nag-iwan din ito ng anim na casualty, pawang mula sa Davao de Oro, at pitong sugatan, pawang mula sa Davao de Oro.
Samantala, 61 barangay sa rehiyon ang naapektuhan ng pagbaha, kung saan ang Davao de Oro ay mayroong 38 barangay na apektado, Davao Oriental na may walo, at Davao City na may 15 barangay.
Umabot na sa 45 ang kabuuang bilang ng mga barangay na apektado ng landslide kung saan ang Davao de Oro ay mayroong 38 at ang Davao Oriental ay may 7.
Mayroong 28 bahay ang nawasak at 21 ang partially damaged sa Davao Oriental at dagdag pa nito ang walong bahay at tatlong tulay ay hindi pa rin madaanan sa Davao de Oro.
Aabot sa 46 na Local Government Units (LGUs) ang nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas dahil sa sama ng panahon.
Bukod dito, 26 na LGU ang nagsuspinde ng trabaho sa rehiyon.