-- Advertisements --
miguel malvar pacquiao
Manny Pacquiao as Miguel Malvar (photo from YouTube teaser)

Labis daw na tinututulan ng mga apo sa tuhod ni General Miguel Malvar ang pagsasapelikula ng kanilang lolo na gagampanan ni Manny Pacquiao.

Ayon kay Gabriel Malvar na isa ring executive producer-director, sa akala niya noong una ay isang fake news ang kumalat na balita subalit nang iberepika ay totoo pa lang ang Pinoy boxing champion ang bibida sa pelikula.

Ikinalungkot na lamang nito dahil hindi buong angkan nila ang pumayag para isagawa ang nasabing pelikula at ang nagdesisyon lamang ay ang apo ng heneral na si Atty. Jose Malvar Villegas na isa ring movie producer.

Ipinagtanggol naman ng movie producer ang pagkuha nila kay Pacquiao at sinabing kilala sa buong mundo ang boxing champion at pinabulaanan na may bahid politika ang nasabing pelikula.