Libreng sakay sa mga pangunahing train sa Metro Manila, insentibo para sa mga komyuter na nabakunahan na kontra covid19 sa loob ng dalawang linggong ECQ.
loops: LRT,MRT, PNR, Metro Manila, commuters
Simula ngayong araw hanggang matapos ang dalawang linggong ECQ sa Metro Manila libre na ang pamasahe para sa mga bakunadong commuters na APOR o authorized person outside residence sa pagsakay sa Light Rail Transit 2 (LRT2), Manila Metro Rail Transit 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).
Ipinag-utos ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pangunahing railway system para sa mga partially o fully vaccinated na commuters.
Kailangan lamang na magpresenta ng vaccination cards bilang katibayan para makapag-avail ng free ride.
Ayon kay Tugade napagkasunduan ng buong kagawaran ng transportasyon ang naturang inisyatibo para sa kaligtasan at kalusugan ng mamamayan at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang publiko na magpabakuna.
Samantala, inanunsiyo din ni Tugade na lahat ng provincial at city buses ay hindi na kaialngang magbayad ng terminal fee sa Paranaque Integrated Terminal Exchange simula sa Lunes.
Ilang maritime at aviation sectors gaya ng Philippine ports Authority , Civil aviation Authority of the Philippines at Manila Internationla Airport Authoruty ang nangakong magbibigay ng libreng pagkain at inumin para sa mga travelers na nagaantay sa mga paliparan at mga pier.