-- Advertisements --
Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat pagbawalang lumabas ang mga authorized persons outside residence (APORS) tuwing nagkakaroon ng granular lockdowns para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, ito rin ang naging rekomendasyon ng technical working group dahil sa lumabas na data analytics mula sa Department of Health.
Dagdag pa nito na mas epektibo pa aniya ito kumpara sa pag-lockdown sa isang siyudad o buong probinsiya.
Base kasi sa kanilang obserbasyon nsa ipinatupad na ECQ ay maraming mga APOR pa rin ang nakakalabas kaya malakas pa rin ang hawaan.