Magiging limitado lamang sa mga authorized persons outside of residence (APORS) ang papayagang makabiyahe matapos na ilagay ng gobyerno sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus bubbles.
Ayon sa Department of Transportation (DOTR) na walang pagbabagong gagawin sa public transportation protocols sa ipinatupad noong general community quarantine (GCQ) bago ang pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine.
Paglilinaw pa nila na mayroong 60 mga karagadagang public utility jeepneys ang bubuksan sa National Capital Region (NCR) simula sa Abril 13 at 190 na ruta naman sa probinsiyal public utility buses simula Abril 15.
Magpapatuloy din ang libreng sakay sa mga health workers at medical frontliners ganon din sa mga APORS na gumagamit ng pamapasaherong jeeps, buses at na nag-ooperate sa ilalim ng service contracting program.