Naungkat sa ika-pitong pagdinig ng House Quad Committee kahapon ang umano’y mga napundar na ari-arian ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa lalawigan ng Cebu.
Binuksan mismo ni Sta. Rosa Representative Dan Fernandez ang naturang usapin sa isinagawang interpolasyon.
Ayon kay Fernandez, may kakayahan pang magdonate ng malaking halaga si Garma sa isang party-list group.
Tinukoy ng Quad Committee ang mansion sa hilltop sa Cebu na pagmamayari ng dating opisyal.
Inamin naman ni Garma na siya mismo ang nagtayo ng naturang mansion gamit ang kanyang sariling pera.
Bukod dito ay inungkat rin ng mga mambabatas ang ₱2-milyon na ginawang donasyon ng PCSO sa isang STL Foundation.
Tumayo namang 2nd nominee ang kanyang pinsan at ang asawa ng isang pulis na malapit kay Garma ay tumatayong 1st nominee.
Bukod dito ay mayroon rin umanong P23M na piso saving si Garma sa bango at isang Public Safety Savings and Loan Association.
Una nang nadawit ang pangalan ni Garma sa pagpatay sa tatlong Chinese inmate sa Davao noong 2016 at sa isang PCSO official noong 2020.