CENTRAL MINDANAO-Na-alarma ang mga lokal na opisyal sa isang bayan sa Maguindanao sa presensya ng mga armadong grupo.
Dumating ang mga armadong kalalakihan sa magkalapit na barangay ng Dalgan,Kalbungan at Buliok sa Pagalungan Maguindanao.
Dahil sa takot ng mga sibilyan ay agad itong lumikas patungo sa mga ligtas na lugar.
Agad nagpatawag ng Municipal Peace and Order ( MPOC) Meeting si Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod para matugunan ang naturang problema at wag ng lumala ang sitwasyon.
Wala umanong koordinasyon sa LGU-Pagalungan ang pagpasok ng mga armadong myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nanawagan ang alkalde sa liderato ng MILF na huwag magpagamit sa ilang grupo sa nalalapit na eleksyon.
Hayaan ang mga residente na pumili ng mga kandidato na gusto nilang iboto na maging lider ng kanilang bayan.
Nilinaw naman ng MILF na may koordinasyon sa GPH-CCCH,militar at pulisya ang kanilang pagpasok sa bayan ng Pagalungan bilang Peacekeeping Force ng mga naglalaban na pamilya.