Pinoponduhan umano ang mga aktibidad ng mga armed group sa Mindanao ng mga smuggled na sigarilyo na karamihan ay nagmula sa Indonesia.
Ito ang kinumpirma ng isang kilalang security expert sa isang kamakailang forum.
Ayon kay Prof. Rohan Gunaratna na isang security studies instructor at Singapore’s Nanyang Technological University, partikular sa mga ito ay mga Abu Sayyaf Group at Moro National Liberation Front .
Paliwanag pa nito na sila ang nag bebenipisyo ng kita mula sa ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo sa
southern Philippines.
Dagdag pa ni Gunaratna, ang Indonesia ay isang pangunahing mapagkukunan para sa mga sigarilyong pumapasok sa bansa.
Sinabi ito ng opisyal sa ginanap na forum pinamagatang “Terrorism-Illicit Trade Nexus: A National Security Threat” sa PROTECT 2024 Conference sa isang Hotel sa Makati.
Tinalakay ng mga delegado sa forum ang patuloy at umuusbong na mga banta na kinabibilangan din ng mga kasalukuyang geopolitical risks, violent extremism, climate change, cybersecurity at iba pang disruptive technologies.
Kabilang sa mga dumalo sa forum ay ang mga pangunahing defense officials tulad nina National Security Adviser Eduardo M. Año at Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., kasama ang ilang opisyal ng Indonesian Embassy sa Manila.