CENTRAL MINDANAO-Adhikain ay para sa kapayapaan at kapakanan ng kanyang mga nasasakupan ay isinuko ng isang lokal na opisyal ang mga armadong tauhan nito at mga armas sa pulisya sa Maguindanao.
Ang grupo ay tinaguriang Mamasabulod Private Armed Group na pinamumunuan ni Pagalungan Maguindanao Mayor Datu Salik Mamasabulod ay sumuko mismo kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Bregadier General Eden Ugale.
Isinuko ng Alkalde ang kanyang dalawang Security escort na sina PNP retired Corporal Faisal Mamasabulod alyas Fai kapatid ni Mayor Mamasabulod at Norodin Sulayman na mga residente ng Barangay Damalasak Pagalungan Maguindanao.
Kasamang isinuko ni Mayor Mamasabulod ang kanyang dalawang M16 Armalite rifles,isang M1 Carbine rifle,isang M1 Garand rifle,mga bala at mga magazine.
Ang pagsuko ng Mamasabulod Private Armed Group ay pagtalima sa National Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) sa ilalim ng normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nakatuon sa pagwasak sa mga armadong grupo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Bgen Ugale na nagawa ng NTF-DPAGS na mapadali ang pagsuko ng isa sa mga Private Armed Groups sa Maguindanao.
Ang grupo ni Mamasabulod ay tinaguriang DI-Listed Active PAG as of March 15, 2021 ng PRO-BAR.
Hinikayat ni BGen Ugale ang mga Alkalde sa Maguindanao na may mga armadong tagasunod na isuko at pamarisan ang magandang ginawa ni Mayor Mamasabulod.
Plano ng gobyerno na idaan sa tamang proseso ang mga armadong security escorts ng mga politiko o isailalim sa pagsasanay bilang Cafgu at italaga sa sarili nilang bayan.