-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kinustodiya na ng militar ang umaabot sa 11 mga armas at mga bala na umano’y naiwan ng mga miyembro ng Maute-ISIS matapos maipit sa engkwentro sa bahagi ng Lanao del Sur.
Sinabi ni 1st ID, Philippine Army spokesperson Capt. Clint Antipala, kabilang sa mga narekober ay isang caliber 50mm Barrett sniper rifle, M16 rifle, AR15 rifle, 12-gauge shotgun at pitong handguns.
Mismoang mga residente ng Taraka, Lanao del Sur ang nag-turnover ng mga armas at ammunitions sa mga otoridad.