NAGA CITY – Nakarekober ng ilang kagamitan mga sundalo sa isinagawang Special Working Group Operation sa Ragay, Camarines Sur mula sa isang umanong medical officer.
Kinilala ito na si Jovel Perez alyas Gringo.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, isinagawa umano ng Special Working Group, Intel Platoon ng 9th Infantry Batallion at iba pang battalion mula 9th Infantry Division, Philippine Army kasama rin ang Camarines Sur Police Provincial Office ang nasabing operasyon sa Barangay Sitio Pulang Daga, Barangay Baya ng nasabing bayan.
Ito’y kasunod umano ng impormasyong nakuha ng otoridad sa sumukong miyembro ng rebeldeng grupo.
Nagresulta ito sa pagkakarekober ng M1 Garan rifle, walongclips para sa 30 caliber, 66 piraso ng live ammunition para sa 30 caliber, sampung piraso ng 5.56 live ammunition, medical paraphernalia, isang bandolier, isang backpack at mga subersibong dokumento.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng otoridad ang nasabing suspek maging ang mga gamit na boluntaryo umanong isinuko ni Perez.