-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpositibo ang naging rebelasyon ng isang dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na mayroong inilibing na mga armas, election at medical paraphernalia at iba pa sa bulubunduking bahagi sa may Upper Suyan, bayan ng Malapatan, Sarangani province.

Ito ang inihayag ni Lt. Jerry Maburang ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Malita, Davao Occidental sa naging panayam ng Bombo Radyo GenSan.

Ayon rito, nahukay ng mga sundalo ang nabanggit na mga gamit matapos isiniwalat ng isang Alias Jong-jong na inilibing ang mga ito noong nakaraang Mayo 4.

Itinuro ng mga sundalo ang Makabayan bloc na nagmamay-ari umano ng mga campaign posters kung kaya’t balak na sampahan ng kaso ang naturang grupo.

Muling ibinida ng militar na unti-unti na umanong humihina ang puwersa ng NPA dahil wala nang nare-recruit ang mga ito na ang karamihan ay sumuko na sa gobyerno at ilan ay pinuno ng mga rebelde.